Mahilig ako sa piniritong pagkain. Kahit noong maliit pa ako’t nakatira sa bahay ng lolo at lola ko kung saan laging masarap ang ulam, baliw na baliw na talaga ako sa kahit anong pinirito.
Tag Archives: sanaysay
Spaghetti ang ambag ko
Paborito ko talaga ang Pinoy spaghetti. Oo, yung asim-tamis na may mapulang sauce at sinabuyan pa ng ginadgad na keso. Sa tuwing makakakain ako nito, talagang sumasaya ako. Feeling ko, birthday ko ulit.
Corned beef confessions
Ginto ang corned beef sa bahay namin noong bata pa ako. Dahil limitado lang ang budget namin sa pamilya, kadalasang itlog, tuyo, instant noodles, at delata lang ang ulam namin noon.