Miss ko nang uminom, pero di ko nami-miss malasing

Dahil sa problema ko sa sikmura, bawal na muna akong uminom. Nakakalungkot, lalo na’t nasa bahay lang ako at madalas na mag-isa. Masarap sanang lumaklak ng beer o kaya ng pipitsuging wine habang nagtatrabaho, nanonood ng kung anu-anong palabas online, nagbabasa, o kahit nakatunganga lang at walang ginagawa.