All posts filed under: Women & Relationships

kita kita film

Kita Kong May Mali sa ‘Kita Kita’

Ang ganda sana ng Kita Kita. Bukod sa maganda yung mismong lokasyon kung saan kinunan ang mga eksena, nagustuhan ko rin ang mga linya rito. At syempre, di maitatangging cute din ang ilang mga eksena, lalo na iyong mga lambingan at kulitan nina Tonyo at Lea. Naiyak din ako sa pelikulang ito. Biruin mo ba naman, biglang namatay si Tonyo kung kelan nakakikita nang muli si Lea. Malungkot naman talaga ‘yun, kahit sino pa siguro yung naroon sa sitwasyong iyon. Pero hindi sapat ang lahat ng mga ito para basta-basta ko na lang palampasin ang isang bagay na pakiramdam ko ay isang pagkakamali ng obrang ito: ang katotohanang stalker si Tonyo at hindi ito okey. Hindi raw kailangan ng kaibigan ni Lea, kaya ‘wag na siyang guluhin pero hindi pa rin siya tumigil. Sus. Pamilyar na pamilyar yung linya ni kuya. Parang yung script lang ng mga loko-lokong nangungulit na gustong makipag-textmate o makipagkaibigan kuno sa akin, lalo na noong teenager pa ako. Yung tipong nanghuhula ng numerong tatawagan at pag nabosesan nilang babae yung …

Kung bakit single ka pa rin, Ate.

Naiinis ka na. Tadtad na ng relationship status updates and Facebook newsfeed mo. Yung mga kaibigan mong dating NBSB (no boyfriend since birth, estadong kadikit pa rin ng pangalan mo hanggang ngayon), biglang mayroon nang ka-forever. Kahit yung BFF mong panay “I hate guys” noon sa Twitter, may kasa-kasamang boylet na rin sa kanyang mga profile photos. At yung high school teacher mong nagsabi sa klase niyo noong, “Ang mga lalaki, pare-parehong manloloko,” ayun at limang buwan nang buntis. Lahat sila, involved na sa isang lalaki at yung iba naman, sa kapwa babae (equal dignity, syempre!) samantalang ikaw, hanggang “I love Krispy Kreme donuts” at “Having fun with my Starbucks Frappe” pa rin. “May mali ba sa akin?” Tinanong mo ang sarili mo, habang nag-aantay ng order mong Green Tea Latte Frappe, sa Starbucks pa rin. “Wala!” Sumagot ka rin naman. Syempre, sa panahon ng pag-iisa, sinu-sino pa ba ang magtutulungan kundi ang sarili at sarili mo rin! “Eh bakit single pa rin ako?” Bigla mong naalala, may naligaw nga pala sa’yong lalaki nung isang …