Sa wakas, kape

ucc park cafe signature iced coffee

Noong linggo, nakapagkape ulit ako matapos ang halos kalahating taon. Sa sobrang saya ko, muntik akong maluha.

Doon kami nagkape sa UCC Park Cafe na dinaanan namin pagkatapos bumili ng bagong monitor at iba pang mga kailangan sa bahay.

Sobrang sarap ng kapeng in-order ko. Signature iced coffee ba naman! Kaya nga lang, hindi ko iyon nanamnam nang puro. Hinaluan ko iyon ng maraming gatas para hindi masyadong matindi ang tama sa sikmura. Siniguro ko ring hindi ako gutom noon, para mas safe.

Habang iniinom ko ang kapeng iyon, saka lang nag-sink in sa akin kung gaano ko talaga ka-miss ang kape. Saka lang pumasok sa kokote ko na, Shet, oo, ganito nga pala kabango yung kape. Ganito kasuwabe yung hagod. Ganito kasarap yung sipa.

Noong mga nakaraang buwan kasi, madalas idinaraan ko sa mind control ang mga bagay at nagtatagumpay naman lagi ako. Sa tuwing maiisipan kong magkape, iniisip ko lang kung gaano ka-hassle ang ulcer at kung gaano kalala ang takot ko nang pagsabihan ako ng doktor tungkol sa sakit ko. At iyon, natitigil din naman kaagad ang pag-aasam kong magkape.

Ang totoo, ilang buwan na ang lumipas simula noong ma-diagnose ako at bumuti na rin naman ang kundisyon ko. Sinabi rin naman ng doktor na puwede na akong magkape ngayon, basta dapat may laman ang tiyan. Hindi puwedeng kape lang.

Pero na mismo ang nagbabawal sa sarili kong ibalik ang dating bisyo. Alam ko kasing sa oras na pagbigyan ko ulit ang sarili na ibalik ang dati kong habit, mahihirapan na ulit akong magpigil. At siyempre, kalusugan ko na naman ang mapapasama.

Kaya heto, iniisip ko na lang na magkakape lang ako kapag may sapat na dahilan. Kumbaga, parang alak lang na iinumin kapag may dahilan para mag-celebrate. At dahil sobrang saya ko nung Linggo, nagkape ako.

Siyempre, medyo malungkot na hindi ko mamamaya’t maya ulit ang pagkakape. Pero, parang ayos na rin. Sa ganitong setup kasi, parang mas nagiging espesyal ang bawat tasa o baso nito.

2 Comments

    1. Parang ang saya nga nung scented candle! Kaso hindi ko alam kung puwede sa apartment namin dahil may smoke detector. Haha. Pero thanks sa reco! O baka hanap ako ng ibang coffee scented thing na puwedeng substitute. 🙂

      Like

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s