Ang bagong RC Cola ad at ang mga bagay na di na dapat ipaliwanag

rc cola

Isa ako sa mga nawindang sa paglabas ng bagong advertisement ng RC Cola. Grabe ang impact nito sa akin, lalo na’t caught off guard ako. Akala ko kasi noong una, tipikal na iyakan lang ang peg nito. Yung tipong mapapa-awww ka lang sa huli, parang yung mga kinagisnan nating patalastas.

Pero shet, nagulat ako nung biglang naghubad ng damit ang anak at saka ipinakitang may apat na baso siya sa likod. Sa puntong ito, napatanong na lang ako sa sarili, What the fuck is happening? Sumagi pa nga sa isip ko na baka nagpa-ventosa lang yung bata at hindi naalis yung mga baso sa likod niya. Uhm, pero bakit hindi nakataob yung mga baso? Saka, anong konek nung mga baso?

Tapos syempre yung nanay umeksena na rin. Madamdamin ang kaniyang speech, sabay tanggal ng scarf. What the fuck? Maghuhubad din ba siya? Anong nangyayari? Pero, yun nga, bigla niyang inangat yung ulo niya tapos may bote pala ng RC Cola sa ulo niya. Shet, what? What the fuck???

Gago, ang lakas ng trip! What an experience!

Shet, bigla ko tuloy naalala yung mga wirdong Japanese horror movie na napanood ko noong bata pa ako. Iyong mga hindi ko maintindihan. Mga hindi ko maipaliwanag. Minsan, hindi ko rin talaga gets ang kwento. Pero, ang mahalaga, nasindak ako. Tumili ako kasama ng pamilya ko at nag-enjoy kami. At pagdating ng gabi, sige ang takutan namin ng mga kapatid ko dahil hindi kami maka-move on sa napanood namin. Hay, ang saya!

Kaya sige, hindi ko na hahanapan ng kung anu-anong meaning ang bagong ad ng RC Cola. Sa tingin ko, mas dapat na lang natin itong mapasama sa listahan ng mga bagay na hindi na dapat ipaliwanag. Ang mahalaga, matindi ang hatid nitong experience.

Sobrang dami nang nangyayari sa mundo ngayong 2020, grabe na ang pagod ko at ang pagkakurta ng utak ko, ayoko nang i-overthink ang commercial na ito. Basta ang mahalaga, napukaw ang atensyon ko at nabigyan ako ng memorable na experience habang pinapanood ko ito. At kung may energy pa akong mag-overthink, malamang igugugol ko na lang iyon sa ibang bagay na mas mahahalaga sa lipunan sa ngayon.

Isa pa, mukhang ang point naman talaga ng ad ay, Basta! Huwag na tayong mag-overread.

At kung iisipin din, marami lang bagay ang kayang i-spoil ng pag-o-overread. Parang iyong mga mabubuting ginagawa sa iyo ng kaibigan mo. Akala mo tuloy, bet ka niya. Iyon pala, mabait lang talaga siya. E kaso, nag-overread ka. Binigyan mo ng ibang meaning yung mga kilos niya tapos nakinig ka pa sa sulsol ng iba, hanggang sa naging awkward ang pakikitungo mo sa kanya. At ayun, nagkalabuan lang kayo.

O parang sa pag-ibig. Hindi naman sa lahat ng bagay kaya mong i-explain ang mga bagay. Kung bakit iba ang dating niya sayo, kung bakit gusto mo laging kasama siya, kung bakit nahuhulog na ang loob mo sa kaniya. Minsan kailangan mo lang i-enjoy, diba?

A, basta!

PS: Dahil sa ad na ito, naalala kong RC Cola nga pala yung go-to soda ko noong sa Antipolo pa ako nakatira at laging limitado ang budget. Bigla kong na-miss yung excitement na meron kami noon kapag may RC Cola sa mesa. Parang may okasyon! So I guess the ad worked for me, after all.


Featured image mula sa YouTube Channel ng RC Cola Philippines

2 Comments

    1. True! Sobrang benta nung ad, talagang sine-search pa siya ng mga tao online. Well, alam talaga nung ad agency yung ginagawa nila. GIGIL ba naman yung gumawa, same sa gumawa nung ads ng Orocan Koolit Cantina saka Danes Cheese With Real Bacon Bits. HAHA Ang lalakas ng trip nila, pero super creative. 😀

      Liked by 1 person

Leave a Reply to Miel Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s