Thoughts & Views
Comments 2

Kwentong UPCAT

Di talaga ako naniniwala sa destiny pero kapag naaalala ko yung mga nangyari bago ako nakapasa sa UP, parang napaiisip din talaga ako tungkol dito.

Una, hindi ko pinangarap mag-UP. Gusto kong maging guro noon, kaya PNU ang talagang inasinta ko. Pero noong may nag-alok sa akin ng kopya ng UPCAT form, pinatulan ko na rin kahit malapit na ang pasahan. Tutal, game naman daw si Mama pumunta sa Diliman para magpasa at wala naman daw bayad kapag kasama sa top students sa buing batch.

Pangalawa, hindi ako nakapaghanda nang maayos. Bukod sa biglaan ang naging desisyon kong mag-UPCAT, sa dyaryo ng paaralan lang halos umikot ang buhay ko noong high school kaya yun ang madalas kong unahin. (Di naman ako nagsisisi dahil malaki ang naging papel nito sa paghubog ng pagkatao ko.) Dalawang araw bago ang pagsusulit, bumili ako ng mumurahing reviewer sa NBS pero hindi ko rin naman nabasa nang maayos kasi ang daming kailangang gawin.

Pangatlo, ang daming aberya sa mismong araw ng exam ko. Muntik kaming kulangin ng pera pamasahe paluwas ng Antipolo. Halos mawala-wala rin kami sa loob ng UP noon dahil hindi namin pinasyalan ang venue bago ang araw na yun. Sa loob naman ng testing center ko, nangatog ako sa lamig nang ilang oras. Inilagay kasi ako sa gilid dahil left-handed daw ako. Ayun, halos katabi ko ang air conditioning unit! Saktong may sipon pa naman ako. Nung pauwi, nagkamali kami ng sinakyang jeep. Napadpad kami sa Philcoa imbes na sa Katipunan. Buti nagkasya pa ang pera namin pauwi.

Pero sa kabila ng lahat, pumasa naman ako. Ang totoo, ako nga lang ang nakapasa mula sa paaralan namin noong taong iyon. Sabi nila, baka raw “destiny”. Pwedeng oo, pwedeng hindi. Hindi ko pa rin talaga alam.

Basta, sigurado ako, binago ng UPCAT ang buhay ko. πŸ™‚

Advertisements

2 Comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s