Month: October 2017

Kwentong UPCAT

Di talaga ako naniniwala sa destiny pero kapag naaalala ko yung mga nangyari bago ako nakapasa sa UP, parang napaiisip din talaga ako tungkol dito. Una, hindi ko pinangarap mag-UP. Gusto kong maging guro noon, kaya PNU ang talagang inasinta ko. Pero noong may nag-alok sa akin ng kopya ng UPCAT form, pinatulan ko na rin kahit malapit na ang pasahan. Tutal, game naman daw si Mama pumunta sa Diliman para magpasa at wala naman daw bayad kapag kasama sa top students sa buing batch. Pangalawa, hindi ako nakapaghanda nang maayos. Bukod sa biglaan ang naging desisyon kong mag-UPCAT, sa dyaryo ng paaralan lang halos umikot ang buhay ko noong high school kaya yun ang madalas kong unahin. (Di naman ako nagsisisi dahil malaki ang naging papel nito sa paghubog ng pagkatao ko.) Dalawang araw bago ang pagsusulit, bumili ako ng mumurahing reviewer sa NBS pero hindi ko rin naman nabasa nang maayos kasi ang daming kailangang gawin. Pangatlo, ang daming aberya sa mismong araw ng exam ko. Muntik kaming kulangin ng pera pamasahe paluwas …