Month: August 2017

kita kita film

Kita Kong May Mali sa ‘Kita Kita’

Ang ganda sana ng Kita Kita. Bukod sa maganda yung mismong lokasyon kung saan kinunan ang mga eksena, nagustuhan ko rin ang mga linya rito. At syempre, di maitatangging cute din ang ilang mga eksena, lalo na iyong mga lambingan at kulitan nina Tonyo at Lea. Naiyak din ako sa pelikulang ito. Biruin mo ba naman, biglang namatay si Tonyo kung kelan nakakikita nang muli si Lea. Malungkot naman talaga ‘yun, kahit sino pa siguro yung naroon sa sitwasyong iyon. Pero hindi sapat ang lahat ng mga ito para basta-basta ko na lang palampasin ang isang bagay na pakiramdam ko ay isang pagkakamali ng obrang ito: ang katotohanang stalker si Tonyo at hindi ito okey. Hindi raw kailangan ng kaibigan ni Lea, kaya ‘wag na siyang guluhin pero hindi pa rin siya tumigil. Sus. Pamilyar na pamilyar yung linya ni kuya. Parang yung script lang ng mga loko-lokong nangungulit na gustong makipag-textmate o makipagkaibigan kuno sa akin, lalo na noong teenager pa ako. Yung tipong nanghuhula ng numerong tatawagan at pag nabosesan nilang babae yung …